*from the fan page of Bob Ong
*other isms are from fans
1.Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
2.kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.
3.Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... ganyan ang scenario sa bus, ganyan din sa pag-ibig... lalong di mo kontrolado kung kelan sya bababa
4.Bago ka mag-react, isipin mo muna kung bakit biglang nagbago sa'yo ang isang tao. Kasi minsan, ikaw din mismo ang gumagawa ng bagay kung bakit sila biglaang nagbago
5. Minsan kailangan mong makalimot, para ikaw naman ang maalala
6.Ang PINAKAMASARAP? Yung hindi sinasabi pero nararamdaman. Yung walang singsing pero kuntento. Yung hindi kayo pero mahal ang isa't-isa. Yung walang sumpaan pero walang iwanan... at yung walang titulo pero alam mong iyo
7.Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras
8.Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon... makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon, isang bintana sa kahapon, na paminsan-minsan ay gusto mong masulyapang muli... sabay bulong sa sarili: Sana pwedeng ...ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon
9.Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo
10.Wala namang masama sa pangingibang- bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao
11.Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, na kapag buo ang binigay mo... sinusuklian ka pa rin kahit papaano
12.Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila eh hindi "USO" at hindi "IN"
13.Sabi nila ABNORMAL daw yung taong pumapayag saktan ng taong mahal nila. Sabi ko naman... eh di'ba MAS ABNORMAL ang taong SASAKTAN KA saka sasabihing.. . MAHAL NA MAHAL KA nya??-MC DUANE
14.Ang tunay na pag-ibig madalang ang biyahe... kaya kapag dumaan sa’yo, parahin at sumakay ka na, kasi hindi mo alam kung babalik pa yun. Siguro nga babalik pa... Eh, paano kung may sakay ng iba?
15. Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela
16.Kapag nabasag ang puso… hindi laging malakas gaya ng isang pagsabog. Pwedeng kasing hina ng nalalaglag na dahon… na ang masakit, ikaw lang ang nakakarinig. =EDWARD AQUINO
17.Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya
18. Pasko na naman at malamig ang simoy ng hangin, masarap sana kung mayroon kang kasintahan na kapiling at yayakapin, sabay kayong kakain sa NOCHE BUENA at MAGBUBUKAS NG MGA REGALO. Pero katulad ng dati, nag-iisa ka pa rin, pero ayos lang yan! Kung nalulungkot ka dahil hindi pa dumarating ang taong nakatadhana sa'yo, wag ...ka masyado malungkot, dahil kahit sya mismo hindi pa ganun kasaya... dahil wala ka pa.-MC DUANE
19.Kahit anong bagal mo, kung hindi ka naman nya gustong habulin, hindi ka rin nya aabutan... kahit mag-stop over ka pa
20. Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa
21. Masakit SAKTAN ang MINAMAHAL lalo na kung di mo SINASADYA. Kahit GUSTUHIN mo man na ITUWID ang lahat ng mga PAGKAKAMALI mo eh saka mo pa lang MALALAMAN na HULI na pala... kasi, NAITAMA NA NG IBA.-MC DUANE
22.Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.
23.Ang pag-ibig parang sugal. Minsan panalo... minsan talo. Pero ang pinakamasakit sa lahat... yung makita mong panalo ka sana, pero di ka naman tumaya.
24. Masakit daw umibig palagi ka raw iiyak, palagi ka raw aasa at maghihintay sa wala... sabi ko naman ganun lang yun talaga dahil kung di ka masasaktan.. . di mo malalamang nagmamahal ka na pala. -MC DUANE
25.Ang PAG-IBIG nga naman parang EXAM... pinag-iisipan, pinaghahandaan, di ka EXEMPTED masaktan, kailangan PASADO ka sa kanya... kaya habang maaga pa galingan mo na... kung ayaw mong ma DROP-OUT ka. - FELIPE LAGMAN
26.Bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? Pero pag andyan na, saka mo lang malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo...
27.Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher
28.Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko
29.Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo
30.Wag ka masyado mag expect. Wala kayong commitment. Pwede ka magselos, pwede ka magtampo pero hindi ka pwedeng magalit. Pwedeng makipag-date sa iba pero wag na magpapaalam. Pwede mo siyang lambingin, pwedeng yakapin at pag nalaman mong may bf/gf na siya, pwede ka umiyak. Pwede ka masaktan pero hindi mo siya pwedeng sumb...atan. Dahil wala kang karapatan. Dahil ang M.U. ay isang "MAGULONG USAPAN"
31.Maglaro ka ng SNAKE sa cellphone, mapapansin mo, para siyang RELASYON. Sa una, hindi mo iisiping HAHABA ng ganon. Tapos, kapag TUMAGAL na, nagiging EXCITING pero NAKAKATAKOT dahil baka sa ISANG UNTOG lang... MATAPOS ang lahat!!-MC DUANE
32.Ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad ng kung bakit hindi ka pwedeng magsuot ng sapatos na hindi magkapares sa parehong oras... posible, pero pangit tingnan.
33.Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong, hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.
34. Minsan di rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal natin ang saktan tayo. Di naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila mas mahal nila yun. Ganun talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin kung tayo ang nasa... sitwasyon na yon diba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN Pana-panahon lang yan.
35.Minsan kahit ikaw ang naka-schedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority
36.Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras eh gumagana ang utak ng tao. Ang konsensya ay bahagi ng ating kaisipan na humuhusga kung mabuti o masama ang kilos na iyong gagawin o ginagawa.
37. Hindi naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo eh... Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay
38.Ang isa sa PINAKAMASARAP NA FEELING sa mundo ay yung titingin ka pa lang sa CRUSH mo... PERO SIYA NAKATINGIN NA!!
39.Ang PINAKAMASAKIT NA PAKIRAMDAM sa mundo ay yung nararamdaman mong hindi ka na nya mahal pero hindi nya masabi sa'yo dahil wala ka namang ginagawang masama...
40.Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya
41.ANG TANONG: Gaano ba kaimposibleng mahalin ang taong mahal mo na nagmamahal ng iba?? ANG SAGOT: Para kang nag-aantay ng paparahing Jeep... sa istasyon ng Tren
42.Parang elevator lang yan eh... bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung wala nang pwesto para sa'yo. Eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin
43.Pag may mahal ka at ayaw sa'yo, hayaan mo... malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang
44. Alam mo ba ang pinagkaiba ng bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag
45.Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka, Kaya quits lang
46.Ang PAG-IBIG parang IMBURNAL... nakakatakot MAHULOG... at kapag nahulog ka, it's either BY ACCIDENT or talagang TANGA ka.
47.May mga taong minsan lang daraan sa buhay natin, minsan makikilala, makakasama, mamahalin, pahahalagahan at aalagaan, pero kadalasan pala yung minsan na yun... habang-buhay na sa alaala natin.. minsan di sapat na mahal mo ang isang tao, at alam mo na mahalaga ka para sa kanya, kasi bago ang lahat.... dapat alam mo ang pinagkaiba ng MAHAL sa MAHALAGA LANG!
48. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
49.Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal
50.Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon
51.Minsan kailangan mo din pala ng lakas para sabihing mahina ka